Week 1.
Republic Act. 1425: Rizal Law
Trials of the Rizal Law
Republic Act. 1425: Rizal Law
Trials of the Rizal Law
Sa unang araw ng klase, namulat ang aking kaisipan na hanggang sa
kasalukuyan ay may mga kalaban pa rin si Dr. Jose Rizal. Nabatid ko na
ang Rizal Law ay katulad ng RH Bill na kontrobersyal sa kani-kanilang
panahon. Kagaya ng RH Bill, ang Simbahang Katoliko rin ang pangunahing
tagasalungat ng pagpapatupad ng Rizal Law dahil naniniwala silang laban
ito sa katuruan ng simbahan. Kahit hindi ko nakita o nasaksihan ang mga
oposisyong iyon, nabatid ko ang hirap ng mga mambabatas para maipasa ang
batas na ito. Gayunpaman, nakakatuwa na naipatupad ang batas na ito at malaya naming napag - aaralan ang buhay at mga akda hindi lamang ni Dr. Jose Rizal; kundi pati ng iba pang mga dakilang bayani ng ating bansa. Ang nakakalungkot lamang ay hindi pa rin ito lubusang naipapatupad hanggang sa kasalukuyan. May mga alam akong paaralang Katoliko ang hindi nagtuturo ng buhay at mga gawa ng ating pambansang bayani.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento