Week 4
Napakaimportante
talaga ng nakaraan dahil ang mga pangyayari sa kasalukuyan ay resulta ng mg
apangyayari noon. Sa masusing pag-aaral ng nakalipas, maaari nating mahulaan o
makutuban ang maaaring mangyari sa hinaharap. Kahit minsan, hindi pumasok sa
aking isipan ang suriin ang nangyayari sa kasalukuyan at ang mga mangyayari sa
hinaharap. Ngunit iba talaga si Dr. Jose Rizal at nagawa niyang pag-ugnayin ang
nangyayari sa panahong iyon at ang mangyayari o ang kinabukasan ng ating bansa.
Hindi naman manghuhula si Dr. rizal, matalino lamang siya at kritikal kung
mag-isip.
Dahil dito, napapaisip tuloy ako kung ano
nag mangyayari sa Pilipinas pagkalipas ng isang daang taon. Magiging numero uno
na kaya tayo sa Asya? Magiging lider sa teknolohiya? Lalawak kaya ang ating
teritoryo o magiging kolonya ulit tayo? Ano man ang mangyari sa hinaharap, ang
araling ito o ang isinulat ni Dr. Rizal na ito ay magpapaalala sa akin na
napakahalaga ng kasaysayan o ang mga pangyayari sa nakaraan. Napaalalahanan din
ako nito na maging maingat sa mga gagawin o aksyon ko sa kasalukuyan dahil may
epekto ito sa hinaharap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento