Powered By Blogger

Lunes, Mayo 12, 2014

Espada at Krus

Week 3
The 19th Century Philippines

 
       Masasabi kong matalino ang mga Espanyol sa paggamit ng relihiyon sa pagsakop ng ating bayan. Ikinubli nila sa krus ang kanilang pakay. Nakakainis lamang dahil ginamit nila ang pangalan ng Diyos sa ganoong paraan. Mali ang gawi ng kanilang pagtuturo ukol sa Diyos at ginagamit nila ito para sa sarili nilang kapakanan. Naging matagumpay sila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo at napasunod ang mga katutubo. Ang krus ay napalitan ng espada, hindi na sila nahirapang pasunurin ang mga Pilipino at gawin ang kanilang layunin. Naimpluwensyahan man tayo ng mga Espanyol, marami pa ring kaugalian ang nanatiling sariling atin. Nagdulot man sila ng pagkalito sa tunay nating katauhan, hindi pa din tayo nagpadaig at taglay natin hanggang sa kasalukuyan ang titulong " Ako ay Pilipino".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento