Week 3
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Sa totoo lang, ngayon ko lamang naintindihan ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo. Masyado kasing tradisyunal ang pagtuturo nito noong sekondarya at nawawala na ang pag aanalisa. Nagkaroon tuloy ako ng pagnanais na basahin ang dalawang nobela ngayong bakasyon.
Noong ako ay sekondarya, akala ko ay si Rizal sina Simoun at Ibarra. Ngayon ko lang din naintindihan na ipinakita ni Dr. Jose Rizal ang kanyang sarili sa halos lahat ng karakter ng nobela, siya ay sistesis ng mga tauhan.
Kaunti akong naguluhan sa pananaw ni Rizal, rebolusyonaryo ba siya o isang repormista. Pinakita niya ang dalawang ito sa kanyang mga nobela pero sa aking palagay, mas nanaig ang pagiging rebolusyonaryo niya. Hindi man siya nakipaglaban; nakipagbarilan o espadahan, masasabi nating nilabanan pa rin niya ang mga mananakop at higit silang nasugatan at duguan sa mga akda ng ating pambansang bayani.
Sa akda niyang Noli Me Tangere masasabi kong hindi pa ganoong katapang si Rizal ngunit sa El Filibusterismo ay ipinakita na niya ang kanyang pagiging radikal.
Bagama't pili lamang ang mga kabanata na aming tinalakay, masasabi kong mas nakilala ko si Dr. Rizal.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento