Powered By Blogger

Lunes, Mayo 12, 2014

Bayani ng Ibat-ibang Panahon

Week 2.
Great Individuals as Agents of Change
Bayani
       Ang pagiging bayani ay may iba't-ibang kwalipikasyon sa iba't-ibang panahon. Ayon kay Nolasco, ang isang bayani ay isang mandirigma. Matapang, magiting at nakapatay na ng kaaway. Isa din siyang lider at pinagkakasunduan muna ng lupon ng mga bayani kung igagawad sa kanya ang naturang titulo. Sa kasalukuyan, maaari pala nating ituring ang mga pulis o sundalo bilang mga bayani. Ngunit sa kasamaang palad, kinikilala lamang natin sila kapag sila ay namatay dahil sa isang digmaan; isang kahulugan na ibinigay ni Sztompka na ang bayani ay mga taong pumanaw na at buhay na lamang sa ating alaala. Sa kabilang dako, may mga taong may taglay nang mga katangian upang kilalaning bayani at mayroon ding hinubog ng kapaligiran o ng pamayanang kanyang kinabibilangan. May mga taong naging bayani dahil may angking kakayanan at nakilala dahil sa kasalukuyang sitwasyon na angkop upang magamit ang kayang mga katangian. May mga tao namang naging bayani ng hindi inaasahan at mayroon ding gumagawa ng paraan upang maging bayani. Ayon kay Zarate, isa pang kahulugan ng isang bayani ay ang pagbalik sa tinubuang bayan matapos magsakripisyo sa bansang dayuhan. Sa modernong panahon, ito ay angkop na angkop sa mga tinagurian nating mga Bagong Bayani; sila ang mga kababayan nating kumakayod sa ibang bansa para sa kanilang pamilya at para sa ating ekonomiya, ang mga Oversees Filipino Workers. 
         Habang tumatakbo ang panahon, ibat –iba na ang nagiging kahulugan at kwalipikasyon upang maging isang bayani. Iba-iba man ang kahulugan ng bayani, para akin hangga't mahal mo ang Inang Bayan at ang kapwa mo mamamayan ay maituturing tayo bilang isang bayani, mga Modernong Bayani.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento