Bago ko kuhanin ang kursong ito, marami ng nagsasabing "boring" daw at nakakaantok ang PI10. Akala ko noong una ay magiging nakakabagot ang kursong ito subalit nakita ko na ito bilang isang napakagandang asignatura. Binuhay nito ang aking kamalayang makabayan at lalo kong naramdamang isa akong Iskolar ng Bayan para sa Bayan. Sa aking pag-aaral at pakikinig sa lektura man ito o sa resitasyon, hindi ko naramdaman ang pagkaantok bagkus pagkakilabot ang aking naranasan. Ngayon ko lang naintindihan ang buhay ni Rizal at ang kanyang mga akda. Nakakakilabot, ngayon ko lang napapagtanto na Pilipino pala ako at nabuhay ang aking espirito ng NASYONALISMO. Ang astig pala ni Dr. Jose Rizal!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento