Week 3
Mga Anotasyon ni Rizal sa Sucesose de las Islas Filipinas
Nag-iisip tlaga
si Dr. Rizal. Alam niyang hindi nya kayang salungatin ang mga paratang ng mga
Kastila sa ating basa kung gagamitin lamang ang testimonya ng kapwa niya
Pilipino. Kahit na ito ay totoo, hindi rin sila papaniwalaan ng mga Espanyol.
Kung ako ang nasa kalagayan ni Dr. Jose Rizal, hindi ko na siguro maiisip ang
ganoong paraan sa sobrang galit ko sa mga mananakop. Ngunit nagawa niya iyon at
pinagtiyagaan nyang kopyahin ang aklat ni De Morga dahil wala pa namang photocopying
center noon. Ipimuka niya sa mga Kastila na may sistema at sibilisado na ang
Pilipinas bago pa man sila dumaong sa ating baybaying-dagat. Hindi rin totoo
ang sinasabi nila na tutulungan nila tayo at kailangan natin sila para
magkaroon ng kaayusan sa Pilipinas. Kung tutuusin nga ay sila pa ang gumulo at
nagpadilim sa ating bayan.
Ipinakita ni Dr. Jose Rizal sa anotasyong
ito na tayong mga Pilipino ay may kakayahan at hindi natin sila kailangan upang
tayo at alalayan at akayin. Kaya nating tumayo sa sarili nating mga paa. Tao na
tayo bago pa man sila dumating, nakabihis at may matitirahan. Ang anotasyong
ito ang sumasalamin sa dakilang nakaraan ng ating bayan. Ang araling ito ang
nagmulat sa akin tungkol sa mga unang Pilipino, unang kultura at unang sistema
ng ating bansa. Maging taas noo tayo na tayo ay Pilipino. Nakakalungkot man na
nabahiran na ng kulturang banyaga ang ating
pamumuhay, marami pa rin tayong dapat ipagmalaki. Maaari pa rin nating
ipagsigawan na tayo ay mga Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento