Week 4
Napakahalaga ng
agrikultura sa ating bansa. Hindi natin maipagkakaila na mapaparalisa ang ibang
industriya kung wala ang agrikultura. Subalit sa kasalukuyan, nakakalungkot
isiping napapabayaan na ang sektor na ito. Maraming pondo ngunit sa iba lamang
napupunta ang pera, sa bulsa ng mga kurakot sa gobyerno. Mayaman tayo sa batas,
samakatuwid, maganda ang pagkakasulat sa papel ngunit ang papel ay hindi
nakakarating sa bukid, samakatuwid, hindi rin naipapatupad.
Ang akda ni Dr. Rizal na ito ay isang
pagpapakita na noon pa man ay wala o kulang na ang karapatan ng mga magsasaka.
Inaabuso at kulang na kulang ang tulong mula sa gobyerno. Wala na ngang prayle
o tulisan ngayon pero mayroon pa ring mga Pilipino ang gahaman sa lupa. E kung
tutuusin nga ay konti lang ang kailangan nilang lupa para mabuhay (konting lupa
lang ang kanilang kailangan kapag sila ay namatay, yung paglilibingan lang
nila). Nakakaawa ang mga magsasakang Pilipino kung ikukumpara natin ang mga
magsasaka sa ibang bansa kung saan itinuturing sila bilang mga
"white-collar" employees. Binibigyang halaga ang mga magsasaka sa
ibang bansa dahil alam nilang kung wala ang mga ito, wala silang makakain.
Nakakainis nga ang mga Kastila noon,
biruin mo pinalayas ang mga Pilipino sa sarili nilang lupa. Ang mga Pilipino na
ang nagtatrabaho ngunit ang ani at ang bayad ay napupunta pa rin sa mga
kastila. Kalokohan di ba?
Sa bukid walang papel. Sa bukid walang
perang papel kundi barya lamang ang kinikita ng mga magsasakang Pilipino.
Kailangang mabigyan sila ng sapat na atensyon mula sa pamahalaan. Alam ni Dr.
Jose Rizal ang pakiramdam kung paano agawan ng lupain kaya sa aking palagay ang
akda niyang ito ay naglalayong isulong ang karapatan ng mga magsasaka. Dahil
kung walang magsasaka, may makakain kaya tayo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento