Week 3
Sobre la indolencia de los filipinos
Tamad ka ba?
Grabe ang pagtatanggol ni Dr. Rizal sa mga Pilipino. Hindi tayo tamad, marami
lamang mga aspeto o dahilan kung bakit ganito tayo magtrabaho. Pangunahin na
rito ang klima at ang pagkakaimpluwensya at maling pagtuturo ng mga prayle ang
isa pang dahilan. Ang pagiging tamad "daw" ng mga Pilipino noon ay
sandata din nila upang gumanti sa mga mapangabusong Kastila (weapon of the
weak). Ngunit nagyon ba, sandata sin ba natin ito laban sa gobyerno, sa ating
mga mga guro at sa ating mga magulang? O sadyang tamad na tayong mga Pilipino.
Matapos kong basahin ang "The
Indolence of the Filipino", napagtanto ko na may angking katamaran ang amg
Pilipino. Sinabi rin ito ni Dr. Rizal na may kontribusyon tayo sa ating
pagiging tamad at hindi dapat ibigay ang lahat ng sisi sa mga Kastila. Bilang
isang Isko, madalas kong maranasan ang sakit na katamaran, subalit ngayon,
parang nakakahiya ng mag-cram kasi naiisip ko na pinagsasabihan ako ni Dr, Jose
Rizal (nakakahiya naman sa kanya). Ang sulat ni Rizal na ito at ang diskusyon
sa klase ay talagang nangusap sa akin. Kung tayo ay magiging tamad, pinahiya na
din natin si Dr. Rizal dahil malaking porsyento ng ating katamaran ay mula sa
ating sarili. Sayang naman ang pagtatanggol nya sa ating mga kapwa Pilipino
kung ipapakita nating tama ang mga Kastila, na tamad tayo at hindi sila
nagkakamali. Dapat hindi na tamad si Juan, gawin nating Juan Masipag.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento